UNANG BAHAGI TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON
YUNIT 1: MGA KONSEPTONG PANGWIKA
ARALIN 1: Wika, Komunikasyon, at Wikang Pambansa
Depinisyon ng Wika
Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulagang nais natin ipa batid sa ibang tao (Emmert at Donagby, 1981)
Daluyan ng Pagpapakahulugan
1. Ang lahat ng wika ay nagsisimula sa tunog. Mga tunog ito na mula sa paligid, kalikasan, at mula mismo sa tunog na likha ng pagbigkas ng tao.
2. Simbolo-ay binubuo ng mga biswal na larawan, guhit o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan.
3. Kodipikadong pagsulat- ay ang sistema ng pagsulat tulad ng paggamit ng cuneiform o tableta.
4. Galaw- ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatid ng kahulagan o mensahe
5. Kilos - tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao tulad ng pag awit, pag tulong sa tumatawid sa daan at iba pa.
Gamit ng Wika
Kategorya at Kaantasan ng Wika
Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulagang nais natin ipa batid sa ibang tao (Emmert at Donagby, 1981)
Daluyan ng Pagpapakahulugan
1. Ang lahat ng wika ay nagsisimula sa tunog. Mga tunog ito na mula sa paligid, kalikasan, at mula mismo sa tunog na likha ng pagbigkas ng tao.
2. Simbolo-ay binubuo ng mga biswal na larawan, guhit o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan.
4. Galaw- ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatid ng kahulagan o mensahe
Gamit ng Wika
- Gamit sa talastasan
- Lumilinang ng pagkatuto
- Saksi sa panlipunang kilos
- Lalagyan o imbakan
- Tagapagsiwalat ng damdamin
- Gamit sa imahinatibong pagsulat
- Pormal
- Wikang pambansa at panturo - ginagamit sa pamahalaan
- Wikang pampanitikan - ginagamit sa akdang pampanitikan
2. Di-pormal
- Panlalawigan - salitang diyalektal
- Balbal - slang sa ingles
- Kolokyal - salitang ginagamit sa pang araw-araw
KOMUNIKASYON
Ang komunikasyon ay pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan.
Ito rin ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin
Antas ng Komunikasyon
- Intrapersonal - nakatuon sa sarili
- Interpersonal - nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok.
- Organisasyonal - nagaganap sa loob ng isang organisasyon
Ang Pangkaraniwang Modelo ng Komunikasyon
Tatlong Uri ng Komunikasyon
- Komunikasyong Pabigkas - ang pinakapundasyon ng anumang wika at pagsasaling-kalinangan sa mahabang henerasyon.
2. Komunikasyong Pasulat - isa sa mahahalagang salik ng kaalaman at edukasyon ng tao.
3. Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kompyuter - Paggamit ng komunikasyon sa internet.
ARALIN 2: Unang Wika, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo sa Kontekstong Pilipino
Ang wikang Filipino ay binubuo ng maraming wika mula sa mga kasalong wika (Sugbuanong-Binisaya, Iloko, Kapampangan, Pangasinan, Samar-Leyte, Maguindanao, Tausog, at Tagalog) at mga banyagang wika (Kastila, Ingles, at Tsino).
Ang Hegemonya ng Wikang Ingles at ang Tugon ng Pamahalaang Pilipino
- Wikang Ingles - Wikang dinala ng mga Amerikano noong 1901
- Unang Yugto ng Wiakng Tagalog (Tagalog 1) - Una itong pinangalanang wikang pambansa noong 1935.
- Ikaliwang Yugto ng Wikang Tagalog (Tagalaog 2) - Una itong ginawang isang pang-akademikong asignatura noong 1940
- Unang Yugto ng Wikang Pilipino (Pilipino 1) - Ang pangalang "Tagalog" ay pinalitan ng pangalang "Pilipino" noong 1959
- Ikalawang Yugot ng Wikang Pilipino (Pilipino 2) - Pinanatili itong wikang opisyal at wikang pang-akademikong ngunit tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa noong 1973
- Unang Wikang Filipino (Filipino 1) - Artipisyal na wika na balak buuin ng Konstitusyon noong 1973 at papalit sa Wikang Pilipino wikang pambansa
- Ikalawang Wikang Filipino (Filipino 2) - Sng wikang Pilipino ay muling kinilala bilang wikang opisyal, pang akademiko at pambansa at pinangalanang "Filipino"
- Monoligguwalismo Ingles - Ipinataw ng mga Amerikano ang sistema ng monolingguwalismong Ingles sa kabataang Pilipino noong 1901
- Unang Bilingguwalismo - Maaring gamitin ang mga unang wika bilang auxiliary na wikang panturo noong 1939
- Ikalawang Bilingguwalismo - Inilabas noong 1970 na nag-uutos na tanging wikang Pilipino lamang ang gagamiting midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pang-akademiko
- Unang Multilingguwalismo - Ipinatupad noong 1973 at nag utos na gamitin ang mga unang bilang midyum ng pagtuturo na susundan naman sa paggamit ng mga wikang Pilipino at Ingles
- Ikatlong Bilingguwalismo - Ipinatupad noong 1974 at nag utos na gamitin ang mga wikang Ingles at Pilipino at nagsantabi naman sa mga unang wika
- Ikalawang Multilingguwalismo - Pinagtibay ang paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles at kinilala muli ang halaga ng mga unang wika bilang auxiliary na wika sa pagtuturo
- Ikatlong Multilingguwalismo - Ang kasalukuyang pambansang patakarang pang wika na ipinatupad noong 2009 at nakabatay sa sistematikong pananaliksik tungkol sa multilingguwalismo.
ARALIN 3: Lingguwalistikong Komunidad at Uri ng Wika
LINGGUWALISTIKONG KOMUNIDAD
Ang wika ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang makapag ugnayan ang bawat isa. Napagbubuklod ng wika ang grupo ng tao dahil nagkakaintindihan sila at nagagampanan nila ang kani-kanilang tungkulin upang maging kapaki-pakinabang ito hindi lamang sa sarili kung di para sa lahat
Mga Salik ng Lingguwistikong Komunidad
- May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba
- Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito
- May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika
Halimbawa:
- Sektor
- Grupong Pormal
- Grupong Impormal
- Yunit
MULTIKULTURANG NA KOMUNIDAD
Sa multikultural na komunidad, multilingguwal ang mga kasapi nito. Ang ugnayang nabubuo ay naghahangad ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba
Halimbawa:
- Internasyonal
- Rehiyonal
- Pambansa
- Organisasyonal
SOSYOLEK, IDYOLEK, DIYALEKTO, AT REHISTRO
Sosyolek - Uri ng wika na niliklikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan, isang halimbawa nitong ang jejemon,
Idyolek - Ang natatangi't espisipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao, isang halimbawa nito ang paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino.
Diyalekto - Uri ng pangunahing wika na nababago, nagbabago o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon, isang halimbawa nito ang tagalog at ang mga variety nito.
Rehistro - May angkop na pananalita at espesyalisadong terminong dapat gamitin na partikular sa larangan.
ARALIN 4: Kasaysayan ng Wikang Pambansa at ang Filipino bilang Wikang Global
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
I. Panahon ng mga Katutubo
- Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat
- Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig
III. Panahon ng Rebolusyon
- Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.
- Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar
- Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
IV. Panahon ng mga Amerikano
- Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey
- Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng publikong paaralan at pamumuhay na demokratiko
- Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging guro noon.
V. Panahon nga Pambansang Komonwelt
- Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3, Artikulo XIV “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
- Dahil sa probisyong ito, itinatag ni Pangulong Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Sentro ng Wikang Filipino upang mamuno sa pag-aaral sa pagpili ng wikang pambansa.
VI. Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamit nila ang katutubong wika partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
- Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
- Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at wikang Hapon
VII. Sa Pagbabalik ng Amerikano
- Batas Komonwelt Blg. 70 (Hulyo 4, 1946) - Wikang Pambansang Pilipino
- Proklamasyon Blg. 12 (Marso 26, 1954) - Pagdiriwang ng Linggo ng Wika (Marso 29-Abril 4)
- Proklamasyon Blg. 186 Pagkilala sa Karangalan ng "Ama ng Wikang Pambansa" simula Agosto 13-19.
VIII. Dekada 90'
- Paglaho ng diskriminasyon ng Ingles sa "cyberspace"
- Multilinggual Language Education
- Paglalagana[ ng Wikang Filipino
YUNIT 2: MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
ARALIN 1: Bilang Instrumento
WIKA BILANG INSTRUMENTO NG IBA'T IBANG LAYUNIN AT PAGKAKATAON
Ito ay maaring gamitin upang ipahayag ang iba't inag layon, pakay, o tunguhin. Ito ay maituturing na instrumental dahil natutugunan nito ang pangangailangan ng tao tulad ng sumusunod:
- Pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa pasasalamat, pag-ibig, galit, kalungkutan, pagpatawad, sigla, pag-asa, at marami pang iba
- Panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais na tupdin o mangyari
- Direktang pag-uutos
- Pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at karunungang kapaki-pakinabang
Wika ng Panghihikayat at Pagganap
Ang bigkas-pagganap ay hango sa teorya ni John L. Austin. Sa kanyang teorya (1962), nahahati sa tatlong kategorya ang bigkas-tungong-pagganap:
Ang bigkas-pagganap ay hango sa teorya ni John L. Austin. Sa kanyang teorya (1962), nahahati sa tatlong kategorya ang bigkas-tungong-pagganap:
- Literal na pahayag o Lokusyunaryo - ito ang literal na kahulugan ng pahayag.
- Pahiwatig sa konteksto ng kultura at lipunan o Ilokusyunaryo - ito ang kahulugan ng mensahe batay sa kontekstong pinagmumulan ng nakikinig at tumatanggap nito.
- Pagganap sa mensahe o perlokusyunaryo - ito ang ginawa o nangyari matapos mapakinggan o matanggap ang mensahe
ARALIN 2: Regulatoryo
Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay-direksiyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat o ng alinmang institusyong nabanggit.
Tatlo ang klasipikasyong ng wika ayon sa regulatoryong bisa nito
- Berbal - tawag sa lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na binabanggit lamang nang pasalita ng pinuno o sinumang nasa kapangyarihan.
- Nasusulat, nakalimbag, at biswal - ang lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na mababasa, mapapanood, o makita na ipinatupad ng nasa kapangyarihan
- Di-nasusulat na tradisyon - ang mahabang tradisyon ng pasalin-saling bukambibig na kautuas, batas, o tuntuning sinusunod ng lahat.
ARALIN 3: Interaksyonal
INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON
Ang interpersonal na komunikasyon ay pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang mga tao habang ang Interkasyonal na wika na ang tungkulin ay tulungan tayong makikipag ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya, kaibigan o kakilala
Mga halimbawa ng interaksyon sa Internet:
Dalawahan
- Personal na mensahe
Grupo
- Groupchat
- Forum
Maramihan
- sociosite
- Online store
ARALIN 4: Personal
PERSONAL BILANG PAGKATAO
Ang "personal" ay mula sa salatang personalidad. Nabubuo ang personalidad ng isang tao habang siya'y nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan.
Apat na dimensiyon ng personalidad
- Panlabas laban sa Panloob
- Pandama laban Sapantaha
- Pag-iisip laban sa Damdamin
- Paghuhusga laban sa Pag-unawa
ARALIN 5: Imahinatibo
ANG WIKA BILANG DAYUHAN NG IMAHINASYON
Ayon kay Halliday (1973), ang imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas, at pag-aliw.
Ibat ibang imahinatibong panitikan
- Pantasya
- Mito
- Alamat
- Kuwentong-bayan
- Siyensiyang piksiyon
ARALIN 6: Heuristiko at Representatibo
HEURISTIKO AT REPRESENTATIBONG TUNGKULIN NG WIKA
Ang heuristiko ay ang proseso ng pagtuklas sa ating paligid at sa pagkuha ng luma at bagong kaalaman sa Rpresentatibo naman ay ang pagpapaliwanang sa mga datos impormasyon at kaalamang ating natutuhan o natuklasan
Ang Apat na Yugto tungo sa Maugnaying Pag-iisip
- Paggamit ng Sintido - kumon-ang pinakakaraniwang paraan ng pag-iisip at pangangatwiran
- Lohikal na pag-iisip:
- Lohika ayon sa Pangangatwiran o Argumento
- Lohika ayon sa Pagkakasunod-sunod
- Lohika ayon sa analisis (Hinuhang pangkalahatan, Hinuhang pambatayan)
- Kritikal na Pag-iisip:
- Masusing pagtukoy sa kaligiran ng suliranin
- Pagsusuri, Pag-uuri, at Pagpuna
- Paglalatag ng alternatibo
- Maugnaying Pag-iisip - Pinakamataas na antas ng pag-iisip
YUNIT 3: MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS
MGA URI NG PANLABAS
ARALIN 1: Wikang Filipino at Mass Media
Ang Msss media ang tawag sa pinakamaimpluwensiyal at pinakamakapangyarihang imstitusyong sa ating lipunan. Ang Media ay isang institusyong panlipunan na ang tungkulin ay maging tagapagbantay, taga masid, at tagapaghatid ng mensahe sa kinauukulan
MGA URI NG PANLABAS
A. Tanghalan
B. Pelikula
C. Telebisyon
D. Youtube